FIERCE FISH IN EL NIDO

Saturday, October 30, 2010

BATAAN

Nang nastress ang 2 mag bestfriend ito ang naging gamot nila , ang GUMALA.  
Bessy Karen and i opt to visit Bataan,why bataan? kasi madami kaming pwedeng makita dito, at ang gaganda ng scenery base sa mga blogs na nabasa namin, since 2 days exploration lang to, kinailangan ng matinding preparasyon , nagbasa at nagbasa kami ng bonga!

Walang sariling sasakyan, walang mapa, tanging isang papel na naglalaman ng mga lugar na pupuntahan namin, isang lapis kasi wala akong ballpen, backpack kasi we wanna travel lite, and sandamakmak na lakas ng loob kasi pareho kaming babae at wala kaming kasama kungdi kaming 2 lang...
from Manila nag Victory liner Bus Olongapo kami - and the travel begins

Morong -  from gapo, nagmini bus kami, nagulat kami kasi punong puno ang mini bus, we're wondering if may nakasakay sa tuktok ng minibus, we found out first trip pala un, at ang mga sumakay na kalalakihan ay baba sa sbma para pumasok sa work, ang liit ng bangko ng minibus at di ito aircon aside from dat may kabagalan si kuyang driver then nalaman namin na ganun pala talaga ang bilis ng mga minibus. pagbaba sa  minibus we hired a trike para mapabilis ang aming pasyal. we paid (340 for 3 hrs)ginawa pa namn n tour guide at photographer si manong driver.
nagpunta kami sa Bataan Technology Park Inc. (BTPI) para makita ang mga Vietnamese shrines, may view deck sila sa loob ng Park na ito na super ganda ng view, check the pix below. tapos may malapit na hanging bridge dun kung saan may view ito ng isang napakagandang ilog.  Naglunch kami sa isang karenderya then we met ate rosalia, one of her kids na nag aaral sa ateneo ay may boyscouts activity sa BTPI, we invited her to visit Pawikan Conservation Center (20php entrance fee)  since malapit lang nmn ito, luckily may ride nmn pala si ate so nalibre kami ng pamasahe, dun ko lang nalaman na ang pagong at pawikan pala ay magkaiba, first time ko rin na bumuhat ng pawikan, ang ganda ng dagat sa Morong sayang nga lang at di ako handang lumangoy.

VIEW DECK IN BTPI - BREATH TAKING INDEED 

PAWIKAN CONSERVATION CENTER - MORONG, BATAAN

Bagac  -  from morong, minibus ulet, then ibinaba kami sa friendship Philippine-Japan Friendship Tower, tapos ng ilang pix trike ulet papuntang las casas. After reading an article about Las Casas Filipinas, im really amazed by how this collection was put all together by Mr. Jerry Acuzar.  nilibot ata nya buong pilipinas makuha lang ang mga bahay na to. and hindi nakakapanghinayang ang 650php na entrance fee, which is good for one hour tour plus a merienda. 

LAS CASAS FILIPINAS -  BAGAC, BATAAN

Pilar -  trike, then minibus ulet, since gabi na naghanap kami ng matutulugan, we stayed in an affordable hotel since isang gabi lang nmn. we started our day early since pabalik na kami sa aming mga bayan, we took pictures sa flaming sword, Marker ng death march, and then Mount Samat na. Nung una we are decided to trek it, but after 8 minutes ng paglalakad, naisip nmn na magrent na lang nag motor this cost us (500php) mega tawaran portion with kuya, Mt. Samat got this nice view from the top, nakakaloka nga lang ang pagpanik dito, nakakapagod nmn talaga but once your on top, sulet namn, madmi kaming nakasabay na bikers at trekkers, tapos we went to Dunsulan Falls,  ang linis ng tubig, palong palo sa view, tapos another hanging bridge tapos trike na papuntang Balanga.

MT. SAMAT = THE VIEW ON TOP OF THIS CROSS WAS JUST AMAZING

Balanga - dito kami nglunch, at nagpahinga ng konti, we went to the church then take a jeep going to Orani

Orani -  para puntahan ang  nuestra senora del rosario de orani

Dinalupihan -  from orani, nagbus kami going to Olongapo, para puntahan ang Roosevelt Park 

then our journey in Bataan ends there, naghiwalay na kami ni bessy sa Gapo,


I cant imagine kung paano ako ngkaroon ng 800 +++ pix sa bataan trip ko, sa dami kasi ng magagandang view i just can 't help but to take pictures, and this is also the first time na makasama ko ang bessy ko for almost 20 yrs  na kaming 2 lang.. definitely Bataan trip will be one of the most memorable trips EVER!  thanks bessy =) 


WITH MY BESSY ANNE @BTPI

2 comments:

  1. OMG.. i have been to BTPI once, and the place was really good.. it can make you feel totally relax... hoping to comeback soon with some of mu buddies...

    ReplyDelete
  2. yup, super relaxing indeed.. sayang nga lang most of the buildings/statues ng mga Vietnamese ay nasisira or ginigiba na nila.. sana madami pa din kayong makita wen you go back there =)

    ReplyDelete