FIERCE FISH IN EL NIDO

Saturday, October 30, 2010

PUERTO PRINCESA

kung may isang lugar na gusto kong balikan, un ay ang Palawan, kasi super dito nagsimula ang lahat, dito ko narealized na dapat ienjoy ko naman ang pinaghirapan ko...

madaming mga lugar ang magandang puntahan sa palawan, pero lets talk about Puerto Princesa kasi ito pa lang naman ang napupuntahan ko,hehhehee

First time kong makarating sa lugar na ito, and i fell in loved with it, ang ganda ng paligid, ang sarap ng pagkain and bait ng mga tao, halos lahat ng trippings andito na, food trip, island trip, nature trip and etc...

Underground River  -  A must see, kasi nominado sya para mapabilang sa 7 wonders of the world... and why not, super ganda ng tanawin sa loob ng kwebang ito, plus ung mga guides nila ay very funny di ka mabored and informative as well.



UNDERGROUND RIVER PALAWAN


Honda Bay -  Pandan Island, Snake Island and Luli island (Lulubog, lilitaw)  maganda magswim, pero da best  ang snorkeling sa mga islands na to lalo na sa pandan, ang dami mong makikitang fish at corals... dito ako naadik sa snorkeling... di ako marunong lumangoy pero ok lang, di nmn ako pinabayaan ng guide ko dun... sayang magpakain ng mga isda, ung mararamdaman mo ung mga nguso nila sa kamay mo.. ang saya


HONDAY BAY - DITO KO MINAHAL ANG SNORKELING


Kinabuchs at Ka Lui =  2 restos in puerto princesa you shouldn't missed , y? kasi affordable ang food nila tapos ang sarap pa, wala kang itulak kabigin, Tip: pareserved kayo ng maaga sa Ka lui kasi most of the time fullybooked yan, then dont forget to tell your waiter "PADESIGN PO NG DESSERT" u'll definitely go crazy sa dessert na un =)

KA LUI RESTO - UNTIL NOW UNBEATABLE PA DIN ANG FOOD TRIP EXPRIENCED KO SA PUERTO PRINCESA, PALAWAN

Did not get the chance to have the city tour due to limited time but maybe next time when i go to El NIdo pwede akong magside trip sa Puerto Princesa =)  




HAPPY TRAVEL!!!

BATAAN

Nang nastress ang 2 mag bestfriend ito ang naging gamot nila , ang GUMALA.  
Bessy Karen and i opt to visit Bataan,why bataan? kasi madami kaming pwedeng makita dito, at ang gaganda ng scenery base sa mga blogs na nabasa namin, since 2 days exploration lang to, kinailangan ng matinding preparasyon , nagbasa at nagbasa kami ng bonga!

Walang sariling sasakyan, walang mapa, tanging isang papel na naglalaman ng mga lugar na pupuntahan namin, isang lapis kasi wala akong ballpen, backpack kasi we wanna travel lite, and sandamakmak na lakas ng loob kasi pareho kaming babae at wala kaming kasama kungdi kaming 2 lang...
from Manila nag Victory liner Bus Olongapo kami - and the travel begins

Morong -  from gapo, nagmini bus kami, nagulat kami kasi punong puno ang mini bus, we're wondering if may nakasakay sa tuktok ng minibus, we found out first trip pala un, at ang mga sumakay na kalalakihan ay baba sa sbma para pumasok sa work, ang liit ng bangko ng minibus at di ito aircon aside from dat may kabagalan si kuyang driver then nalaman namin na ganun pala talaga ang bilis ng mga minibus. pagbaba sa  minibus we hired a trike para mapabilis ang aming pasyal. we paid (340 for 3 hrs)ginawa pa namn n tour guide at photographer si manong driver.
nagpunta kami sa Bataan Technology Park Inc. (BTPI) para makita ang mga Vietnamese shrines, may view deck sila sa loob ng Park na ito na super ganda ng view, check the pix below. tapos may malapit na hanging bridge dun kung saan may view ito ng isang napakagandang ilog.  Naglunch kami sa isang karenderya then we met ate rosalia, one of her kids na nag aaral sa ateneo ay may boyscouts activity sa BTPI, we invited her to visit Pawikan Conservation Center (20php entrance fee)  since malapit lang nmn ito, luckily may ride nmn pala si ate so nalibre kami ng pamasahe, dun ko lang nalaman na ang pagong at pawikan pala ay magkaiba, first time ko rin na bumuhat ng pawikan, ang ganda ng dagat sa Morong sayang nga lang at di ako handang lumangoy.

VIEW DECK IN BTPI - BREATH TAKING INDEED 

PAWIKAN CONSERVATION CENTER - MORONG, BATAAN

Bagac  -  from morong, minibus ulet, then ibinaba kami sa friendship Philippine-Japan Friendship Tower, tapos ng ilang pix trike ulet papuntang las casas. After reading an article about Las Casas Filipinas, im really amazed by how this collection was put all together by Mr. Jerry Acuzar.  nilibot ata nya buong pilipinas makuha lang ang mga bahay na to. and hindi nakakapanghinayang ang 650php na entrance fee, which is good for one hour tour plus a merienda. 

LAS CASAS FILIPINAS -  BAGAC, BATAAN

Pilar -  trike, then minibus ulet, since gabi na naghanap kami ng matutulugan, we stayed in an affordable hotel since isang gabi lang nmn. we started our day early since pabalik na kami sa aming mga bayan, we took pictures sa flaming sword, Marker ng death march, and then Mount Samat na. Nung una we are decided to trek it, but after 8 minutes ng paglalakad, naisip nmn na magrent na lang nag motor this cost us (500php) mega tawaran portion with kuya, Mt. Samat got this nice view from the top, nakakaloka nga lang ang pagpanik dito, nakakapagod nmn talaga but once your on top, sulet namn, madmi kaming nakasabay na bikers at trekkers, tapos we went to Dunsulan Falls,  ang linis ng tubig, palong palo sa view, tapos another hanging bridge tapos trike na papuntang Balanga.

MT. SAMAT = THE VIEW ON TOP OF THIS CROSS WAS JUST AMAZING

Balanga - dito kami nglunch, at nagpahinga ng konti, we went to the church then take a jeep going to Orani

Orani -  para puntahan ang  nuestra senora del rosario de orani

Dinalupihan -  from orani, nagbus kami going to Olongapo, para puntahan ang Roosevelt Park 

then our journey in Bataan ends there, naghiwalay na kami ni bessy sa Gapo,


I cant imagine kung paano ako ngkaroon ng 800 +++ pix sa bataan trip ko, sa dami kasi ng magagandang view i just can 't help but to take pictures, and this is also the first time na makasama ko ang bessy ko for almost 20 yrs  na kaming 2 lang.. definitely Bataan trip will be one of the most memorable trips EVER!  thanks bessy =) 


WITH MY BESSY ANNE @BTPI

MACAU

If your into casinos, macau is the place to be...
From Hongkong, you can ride a Turbot Jet (less than 1k php) for one hour, spacious nmn ang turbo jet and very safe. 
what's so amazing about this is place, ay napakadaming libre, libre ang rides - (hotel to hotel) may mga free transpo sila pero kung may kasama kang bata, may ilang shuttle ang di nagsasakay so check mo na lang, libre ang food - uso sa macau ang free taste kaya go, free shows - may ilang hotels na merong kanya kanyang pakulo para dayuhin sila, take advantage of this freebies... mahirap ng hanapin ang libre sa panahon na ito..


maliit lang ang macau, madami ka rin pwedeng makita pero di naman dapat lahat ay pupuntahan mo kasi di lahat maganda... to tell you honestly, ung pagpunta lang sa mga hotels dun, sulet na sulet na ... ang daming magagandang view... here's my itin in macau.


1. Venetian hotel
Pagdating natin lulan ng turbo jet.. sakay kami kaagad ng Venetian Shuttle service, sandamakmak ang mga free shuttle rides dun, all you have to do is mamili, since i wanna see the beauty of venetian hotel, we opt to take that route. may baggage counter ang venetian, pwede mong iwan ang gamit mo for 24 hrs , so iniwan namin ang gamit at sinimulan n ang paglalakbay, Venetian Hotel is the Best Hotel ever! i love the archi and eng na ginawa nila dito.. ung ceiling na yan, fake yan kasi we arrived there around 6pm and i tell you gabi na nun pero sa pix na ito mukhang umaga pa, bonga di ba..
THE MOST AMAZING HOTEL I'VE EVER SEEN - VENETIAN HOTEL MACAU


2.The Grand Lisboa 
The tallest building in Macau , super maenjoy mo ang lights sa gabi, parang Las Vegas Strip lang 


3.  Ruins of St. Paul
o mas kilala sa pinoy na SIMBAHAN NA PUTOL, isa sa mga popular na view sa macau, malapit sa ruins na to ang mga stores na merong free taste, taste all you can hanggang sa mabuntat ka, nakakatuwa kasi may free drinks pa sila just in case mabulunan ka sa free taste heheheh
ST. PAUL RUIN'S aka SIMBAHANG PUTOL


4. Senado Square 
ang daming nagkalat na pinoy dito, ang ang nice nila sa amin , parang pakiramdam ko asa luneta lang ako
SENADO SQUARE WHERE ALL THE FREEBIES ARE JUST AROUND THE CORNER =) 


5. City of Dreams 
merong free show dito called the Bubble show and ang ganda nyang panoorin, naamazed nga ako eh, tapos may parang malaking screen near the casino, may nagsasayaw n mga memaid, nakakatuwa silang panoorin


6. Sai Van Bridge
ang haba ng bridge na ito , which gave us a great  view para mapanood ang fireworks display, bday kasi ng ceo ng Wynn hotel nun kaya may fireworks, bonga!


sandamakmak ang Hotels na nakita ko sa Macau, piliin mo na lang nais mong mapuntahan =)







HONGKONG

halos lahat ng mga bata or kahit matatanda dream nilang makarating ng Disneyland..... that's one of the reasons why i  visited Hongkong last April 2010.. 


this is a 4 days trip in Hongkong, sa dami kasi ng pwedeng makita at gawin kulang talaga ang 4 n araw but im working on a budget and time so i need to maximized my stay. and i can say WE DID IT!!


this would be a DO IT YOURSELF ITINERARY ! and i love it.. ang dami kong natutunan sa trip na to.. wala kaming guide, all we have was a piece of a map , a piece of paper and a pen... 


airport pa lang mag enjoy ka na ng bonga, san ka nmn nakakita may train sa loob ng airport.. porma di ba =)


Here's the list ng mga napuntahan namin sa aming 4 days trip in Hongkong =)
1. Hongkong DisneyLand - ang dahilan kung bakit nais kong makita ang hongkong.. and i tell you ung ibinayad mo sa disneyland its all worth it, basta magstay ka dun from 10am till 8pm... sulet na sulet =)
HONGKONG DISNEYLAND - THE CHILD IN ME

2. Victoria Peak - nakakatuwa ang pagsakay sa climbing cable car nila, at dito mo makikita ang  view ng Victoria Harbour which is a breath taking talaga
VICTORIA PEAK = PANG POST CARD TALAGA ANG VIEW DITO

3. Ocean Park -  im a bit disappointed kasi di ko alam na pataas pababa pala ang ocean park, nakakapagod, di rin ako nagenjoy sa mga rides nila, mas naenjoy ko pa ang aking genting experience
4. ferries and trams -  mga rides na naenjoy kong bonga sa hongkong
5. Tsing Ma Gigantic Bridge - the longest suspension bridge sa buong mundo. galing di ba =)
6. Hong Kong Park-  ang daming park sa hongkong mag enjoy ka namn na mgpapicture kasi magaganda ang parks nila dun 
7. Mongkok -  shopping galore 
8. Symphony of lights -  make sure makakuha ka ng maganda pwesto para mas masayang manood but if your not into music, di ka mag enjoy.. ako naenjoy ko lang un lights 
VICTORIA HARBOUR - HONGKONG

9. Statue of Bauhinia flower, Avenue if Stars, HK clock tower, - ilan sa mga sites seeing sa hongkong
10.  Buildings / skyscrapers -  ang tataas at unique ang mga designs ng buildings nila dun , astig
11. cafe de coral - super sarap kumain sa resto na to, affordable pa 
yan halos ang mga napuntahan ko sa hongkong, and i know babalik ako dito kasi di ko napuntahan ang Lantau island at iba pang lugar... 
till we meet again HK!