FIERCE FISH IN EL NIDO

Monday, August 30, 2010

5 TIPS FOR YOUR CHEAP TRIPS

1. PLAN AHEAD = = = super makakatipid ka if ur planning ur vacation like 6 mos or even a year prior to ur vacay,, para makakakuha ka ng cheap air tix.. normally if maaga mo cya ibuk mas madami ang chance u makakuha ng super sale =)



2. WAG MAGING PHIKAN SA HOTEL/ACCOM = = = dahil sa may tinatawag na budget, wag masyadong chooSSSsy... ung tipong may maayos at safe na tutulugan for a night or two ok na un, u really dont need a five star hotel kc namn syang lang most of the time kc ur out kaya nonsense, need mo lang cya para maligo at umidlip.. so transient or backpackers inns, or a friend's house are ur better options. 

3. CHECK REVIEWS/BLOGS ONLINE = = = mas marami kang matutunan about the place kung magbabasa ka ng experienced ng ibang taong nakarating na dun, kung may mga friends kang nakarating na dun pede u rin silang tanungin pero mas madami kang makuhang info online... so wag maging tamad, mag surf s net at magbasa.. it will definitelyhelp u alot. like san murang kumain, san murang bumili, san murang sumakay, hahahaha, lahat mura... potah =)

4. NO PASALUBONGS = = = remember gusto mong makatipid di ba, so u dont need people asking to give them something from the place na pupuntahan mo. kc dito ka uubusin... as in,, trust me.... kaya ang motto ko wen i travel ' PUPUNTA AKO DUN PARA MAGENJOY DI PARA BUMILI LANG NG PASALABONG" sounds mean , pero if u have true friends around u they will understand.. kc nga di ba nagtitipid ka but ur willing to spend some money for travel kc u love doing it. 

5. TRAVEL LIGHT = = tandaan kapag nagcheckin ka ng bags mas malaki ung babayaran mong tix, tapos hassle pa kc ikaw rin nmn ang magbubuhat nun, tapos kung minalas ka pa baka mawala pa cya at ma mis route so ang endin ikaw ang kawawa... so to be safe, just bring the essential stuff.


             sana palaging ganito... arrival lang nakikita ko wala na departure  =)
 HAPPY TRAVEL!!!

MALAYSIA

Coming from singapore is quiet far but fun going to Kuala Lumpur Malaysia,  take the mtr.. baba kayo ng woodlands, may mga buses dun going to johor tapos punta kayo immigration baba ulet ng bus tapos un Johor, Malaysia na.


super love ko ang malaysian mumps 


Ang Johor ay isang maliit na bayan sa Malaysia na super duper mura lahat ng bagay... ang tirahan, food and etc compared to singapore.. kaya may mga ilan na umuuwi pa ng Johor pero nagwowork sa singapore..  ang nakakaimpress sa johor ung Highway nila ay super highway,. ang lawak ang laki.. walang masyadong trapik at halos lahat may sasakyan kasi nga mura din dun ang sasakyan =)

from Johor, take a bus going to KL, if im not mistaken around 6 hrs drive ung bus pero comfortable naman ung bus kasi ang laki ng space ng seat nila.  di na kami ngtake ng pictures going to KL kasi mga puno at sakahan lang makita mo hehheh...

when we arrived KL, mejo di cya kasing linis ng singapore kaya mejo na ngapa pa kami... parang asa manila lang kasi ako eh, ang take note some taxi drivers ay sisingilin ka ng bonga! as in bonga! kaya wag masyaadong magtiwala.. magbasa kayo or better yet if may kakilala kayo dun pasama na lang kayo para di masyadong mahirap.... karamihan ng tao s malaysia hirap magsalita ng english so kailangan talaga kahit panu you have an idea kung san ka pupunta para di ka mahirapan.

some locals are very nice, lalo na ung mga nakakaintindi ng english, tutulungan ka nilang makarating sa pupuntahan mo, some letters in the alphabet ay wala kapag binigkas na ng malay kaya nahirapan kami dito, di kami ngkakaintindihan..

Ang KL tower at Petronas tower ay 2 sa mga pinupuntahan dun ,, ang sarap magpapicture lalo na sa petronas ksi sobrang ganda ng ilaw nya lalo na sa gabi.. sabi nila nagpapasok naman ng tourist sa loob kaya lang quota nito 100 a day (5am dapat andun na) un ang sabi samen kaya nasatisfy na lang kami sa  labas n petronas.







Petronas Tower by night and day =)



Genting Highlands da best, super nagenjoy ako sa cable car (Genting Skyway) nila and it lasted like 20 mins..  bili kayo ng package tour nila including na ung bus, cable car at entrance sa genting for 40 ringgit ata un pero super sulit, ride all you can ka na sa  genting (selected rides). try mo ung mga rides nila like Flying Coaster, Genting Sky Venture, Haunted House, Ripley's Believe It or Not! Museum, SnowWorld, and Space Shot.

Genting Skyway the best cable car ever !


Humanda ka sa lamig at mga rides, magsasawa ka!

We went also to Batu cave, nakakaloka inakyat namin ang  272 steps makarating lang sa taas, pero ang ganda ng view from the top.. dami mo makikita kaya ok lang. tapos habang pumapanik ka  may mga monkeys sa paligid sa baba naman mga kalapati feeling ko nga asa Spain o Paris ako eh heheeh

Sacred place for the Hindu's in Malaysia


When it comes to shopping mura din mamili dito, madami din silang malls or better ung mga asa gilid.. competitive din ang rates nila and maganda naman ung quality.

Para malibot nyo buong malaysia try nyong mag Hop on Hop off okay naman ung rates nila at the whole day na un puwede kayo sumakay kaya sulet din =)


Wei, jeff, grace and me .. ang saya ng trip coz of u guys!!! you guys!


 HAPPY TRAVEL!!!



Sunday, August 29, 2010

SINGAPORE




kung meron mang place sa asia na nais kong balik balikan that would be singapore...  why?  ang linis ng paligid and tahimik ng lugar and napakarelaxing lahat..


Skyscrapers in Singapore



been there 2 times already and i love it...  

plan your trip ahead kasi mas makakatiid kayo sa airfare...  we got are tix for 4300 pesos taxes and fees included pero syempre you need to pay terminal fee sa airport mga 2300 pesos un. what's good about this trip was we fly out of manila to singapore and then take a train to johor , malaysia and fly out of malaysia back to manila.... 

always think of a multi destination trip para di na rin masayang ung binayad mo sa tickets at sa terminal fees and also medjo tagal mo ang bakasyon para ma maximize mo din.


must see in singapore:


1.  if your into animals you can visit singapore zoo and night safari  -  maglaan ka ng one day dito kasi morning version ng night safari ang singapore zoo... almost everyhour meron silang mga shows so di ka din maiinip

Singapore zoo beside this is Night Safari



jurong bird park  =  nakakaaliw panoorin ang mga birds pero ang layo ng jurong at di rin masyadong mading sundan ang map, mejo maliligaw ka pero its all worth it

2.  sentosa  - if feel mo lang maglakad, chill, sentosa is the place for you, tambay ka lang sa palawan at siloso beach nila sulit na.... madami kang makikita dito lalo na ngayon meron ng universal studios


Merlion ( the head of a lion and the body of a fish)

  
sa may bandang palawan to sa loob ng sentosa



UNIVERSAL STUDIOS SINGAPORE
Universal Studios


3. merlion park  =  puntahan mo to if nagawi ka na sa marina square or esplanade mall kasi malapit na cya dito.. better punta ka dun araw at gabi kasi iba ang byuti nilang parehas bt i appreciate more ung gabi kasi ang ganda ng lights, malapit na rin dito ung  Singapore Opera House - The Durian, kamukha nya ung sydney opera house.

4.  if feel mo naman na magrides try mo ung luge sa sentosa, cable car going to sentosa sa vivo city ka sasakay, at ung singapore flyer kung saan matatanaw mo ang lupa ng indonesia at malaysia sa taas nya. meron din silang reverse bungee jump at Clarke Quay , mejo mahal pero sabi nga nila your paying for the experience not for the ride.

 
asa 28 SGD ata ang pagsakay dito pero its all worth your penny 
kasi makikita mo ang malaysia at thailand =)




5. if your into shopping theres hundreds of malls na pwede mong puntahan, like suntec city, esplanade mall, marina square, ion, lalo na sa lugar ng orchard magsasawa ka sa mall.. every mrt station ata dun may mall e, but if your looking for affordable stuff punta ka sa bugis o sa little india.

6.  visit science centre and snow city magkalapit lang yun eh para di ka na lalayo  =)

7.  fountain of wealth is the largest fountain in the world.. lapit lang cya sa suntec city..

THE FOUNTAIN OF WEALTH - BIGGEST FOUNTAIN SA BUONG MUNDO 



where to stay...  mahal ang hotels dun pero you can get hotels for 50USD per night with taxes .. kaya magabang ka ng sale kasi minsan my discounts sila for early bird you can check www.hotels.com or www.expedia.com for rates.. or if may kakilala ka sa singapore pahanap ka ng transient houses dun na mga pinoy mayari madami dun mas makakatipid ka...


where to eat = =  kahit san ka mahal ang food nila if your gonna convert it into peso , so better wag ka na magconvert, kasi di ka na makakakain. madami naman cilang hawker sa sg masarap naman kumain dun..  try mo din ung mga street foods nila along orchard rd. 


always have a map with you, wag na wag kang aalis na di mo dala ang mapa, cellphone at passport. wag na wag ka rin magkakalat o maninigarilyo kung san san kasi singapore is very strict about this, people in sg is very nice lalo na ung mga pinoy dun, (madami palang pinoy dun) .. tandaan your a tourist so paglalakad is a must para mas maenjoy mo ang paligid and kasi sa sg may bus stop, mas mabilis kang makakpunta sa pupuntahan mo if maglalakad ka.. i dont advise taking a cab ksi mejo mahal , take mtr, or bus.. lalo na ung mga double decker para mas enjoy mo ung trip.




HAPPY TRAVEL!!!


ANAWANGIN ISLAND

di ko alain na ganito kaganda sa itaas ng bundok


my most unforgettable,most exciting, and most adventurous trip ever ANAWANGIN trip.. tandaan, walang kuryente at walang signal dito...itins changed due to bad weather we dont have any choice but to trek 6 hrs na napakatarik na bundok,kakaloka. but i had a GREAT TIME!!!!!  for just 1,800 pesos not bad di ba... i went to wwww.laabadventure.com   .. napakafriendly ng staff nila as in =)




dito, nagmeet ang dagat at ilog


Day 1

lahat nmn ay on time kaya nakaalis kami ng 7am sa manila, masaya ang byahe kasi matagal na di nagkikita kita ang lahat... my bestfriend karen and zella na ilang buwan ko ng di nakita at nangaling pa ng nueva ecija, came , just to join me on this trip for that thank you.... si francis,grace at joey na matagal ko n din na hindi nakakasama sa galaan, at my new found friend si mai na super cowboy and i like it...
sa van pa lang alam mo na masaya ang trip n ito, kc tawa kami ng tawa at kwentuhan lang sa loob, ung mga KUYA's namin namely alan,mark at robin was super duper nice kaya definitely magiging cliente ulet ako ng laab adventure.. nung asa Pundaquit na kami, nagtantya muna if kaya ng bangka ang alon, after more than an hour kaya daw namin pumunta ng anawangin cove, nung asa laot na kmi, hay naku.. ang laki laki ng alon n halos di mo na makita ang bangkang asa harap mo.. NAKAKATAKOT, napadasal nga ako kc akala ko mahhulog na kami... pero mahusay ang aming bangkero kaya ito still alive and kicking..
paglapag pa lamang ng aming bangka, nakita ko ang kulay brown n tubig dagat dahil daw ito sa mga bundok, paglakad pa namin ay maron namang ilog na sobrang linis.. pagkakain nmn ng bfast mga alas 4pm na ata un we decided na magswim sa ilog kasi sadyang ang linis nito... ang sarap ng tubig ang lamig, lahat ay natuwa lalo na ng nagpaptangay kami sa current . ang saya saya. para lang kaming mga batang naglalaro, lalo n ng umulan.. after so many years ngayon na lang ako.kami nakaranas maligo sa ulan
ng gumabi na, umahon na kami, kumain at uminon ng kaunting alak kc sobrang lakas ng hangin. as in sobra! nung matutulog na kmi ng 1am we decided to play pinoy henyo tent version... (MAGIISIP ng salita ang isang team n nasa kabilang tent at ipapahula ito sa kalaban) honest ka na lang dapat.. and syempre sa mga ganitong laro sinu pa ba ang dapat manalo.. ang mahusay kong TL joey.
sa kalagitnaan ng aming pagtulog ay sya ring pagbuhos ng malakas n ulan at hangin, grabe ang hangin dun, pakiramdam mo lilipatin ang tent na hinihigaan namin. kaya napadasal na lang ulet kami.
ilog ng anawangin na super captivating ang ganda

Day 2
im still hoping na sa last day pagbigyan n kami ng panahon para nmn makapaglayag ang bangka at makapunta sa sa capones ngunit di nakisama ang panahon bagkus umulan pa cya ng bonga! Our guides decided na mgtrekking n lang kmi but it will last for like  5-6hrs depende kung gaano kami kabilis, dahil sa wala ng ibang option we agreed.sounds exciting di ba, pero grabe super nakakapagod.. magmula ng umalis kami halos 5 ilog ang dinaanan nmn at 3 dito ay lubhang rumaragasa.. ngunit napakasarap ng pakiramdam kapag natawid mo nmn cya, madami ka ring falls na dadaanan kaya magsasawa ka sa kakalakad talga. mababait ang nakilala namin na mga tao dun, tinutulungan kami sa aming mga dalahin. wla akong masabi.. sa lhat ng pipol ng Pundaquit lalo na kay te olive salamat po.

isa sa mga rumaragasang ilog na dapat namin tawirin



meet the group zella, me,grace,francis, joey, mai and karen



all in all, anawangin trip as grace said UNFORGETTABLE AND BEST EXPERIENCE na naranasan ko sa buong buhay ko , kaw ba nmn mgtrekking ng 6 n oras isama mo pa ang malakas na hangin at ulan , pati na sakit ng iyong katawan. makkalmiutan mo ba?

maraming slamt kay te lovely,alan,johnny , mark at robin ng LAAB adventure sa inyong pagaalaga sa amin.
sa mga naging kasama ko grace, francis, joey, mai , zella and bessy karen.. thank you.. maxado akong naging happy sa trip n ito dahil na rin sa mga kagagawan nyo.. til our next trip.. promise this will definitely not fall on a rainy day season =) 


HAPPY TRAVEL!!!